Monday, April 13, 2009

Unang uno

“Hindi ko nakita ang kanyang sulat, subalit nabatid kong kanya nang binilugan ang aking grado. Nagpasalamat ako at nagsimula nang umalis. Nang ako’y lumabas na, saka ko lamang ito tiningnan. ABA’T MANTAKIN MO? Parang gusto kong balikan si Sir para tanungin kung ako’y ginugood-time lamang niya. Pero hindi. Pinirmahan na niya ito kaya nangangahulugang seryoso siya. Isa lang ang aking nasabi pagkatapos nito: MAY HIMALA! Kay buti Niya!”…

Unang pako ko po ito mula sa UP Manila. Hindi matatawarang tuwa at kagalakan ang aking naramdaman nang aking mahawakan ang puting papel na naglalaman ng kabuuan ng aming pinaghirapan para sa ikalawang semestre sa taong ito.

Mahigit isang oras din akong naghintay sa labas ng Department of Social Sciences (ipagpaumanhin po ninyo kung ‘di tama ang pangalang ito) nang aking mapansin ang tagaktak ng pawis na dumadaloy sa aking leeg. Napagdesisyunan kong mas mainam kung sa loob na lamang ako ng opisina maghihintay. Di hamak na mas malamig doon. *labas sa pinag-uusapan*Sadyang kay init na ngayon ng Maynila. Tila magiging mayaman ang mga botika dahil araw-araw akong mapapainom ng pain reliever para sa aking migraine.

Choice is scarce. Despite the heat, the quest for better understanding must continue.

Maheat stroke man kami, dapat pa ring mag-aral! Mas mahalaga ang edukasyon kesa kalusugan! (SARKASTIKO)

Nang lumaon ay hinarap din ako ni Sir Karganilla. Ako’y nabigla sapagkat naaalala niya ang aking pangalan. “Faye, tama ba?”, ang kaniyang turan. Akalain mo ‘yun? Datapwat ako’y hindi gaanong ‘umaariba’ sa mga eksamen (ipagpaumanhin po ninyo ang katamaran ko sa pag-aaral ng aking mga leksyon), nalaman kong may mabuting idinulot din pala ang aking pagiging maingay sa klase. ^_^

Ipinapakita lamang na ang pagiging maingay ay nakakatulong din. Hindi sa lahat ng oras, tayo ay dapat tahimik. Moderasyon lang 'ika nga.

Ipinapakita lamang na ang pagiging maingay ay nakakatulong din. Hindi sa lahat ng oras, tayo ay dapat tahimik. Ang susi ay nasa tamang paggamit ng kaingayan.

Pinahanap niya sa akin ang aking class card at nang akin itong natagpuan, agad ko itong ibinigay sa kanya. Ang sumunod na mga segundo ay nagmistulang taon. Bakit ang dami niyang pinipindot sa kanyang kompyuter? Di yata’t hindi pa tapos ang aming grado? O sadyang mababa ang aking nakuha? Ako’y nabalot na ng kaba. Pero nagpakatatag ako. Kailangan ko ang class card para ako’y makapagenrol!

Hindi ko nakita ang kanyang sulat, subalit nabatid kong kanya nang binilugan ang aking grado. Nagpasalamat ako at nagsimula nang umalis. Nang ako’y lumabas na, saka ko lamang ito tiningnan. ABA’T MANTAKIN MO? Parang gusto kong balikan si Sir para tanungin kung ako’y ginugood-time lamang niya. Pero hindi. Pinirmahan na niya ito kaya nangangahulugang seryoso siya. Isa lang ang aking nasabi pagkatapos nito: MAY HIMALA! Kay buti Niya!

Pako (uno)! Sa Unibersidad ng Pilipinas! Gusto kong tumalon!Sumigaw!Humiyaw!… Pero siyempre, hindi ko ito ginawa. Alam kong ako’y pagtitinginan ng mga tao at wala akong pagnanais sa hapong iyon na mapagkamalang nasisiraan ng bait. Kung kaya, ako’y naglakad na lamang na parang nakalutang sa ulap at may ngiti sa aking mga labi.

Bagamat masaya ako sa balitang ito, sa huli, batid ko na hindi ko ito gawa. SIYA ang gumawa nito para sa akin. Sadyang mabuti Siya at kahit sa mga taong katulad ko ay kanyang ipinamamalas ang kabutihang ito. At MAS masaya ako sa balitang ito.

Muli, aking ibinabalik ang lahat ng pagpupuri sa Kanya. Salamat po Ama! ^_^

 

Design By:
SkinCorner